Biyernes, Setyembre 27, 2013

Machine Shorthand Project

Hi Guys and Gals! Its been a long time since I posted here. So now, here's my post. It is our another project in our subject, Machine Shorthand. The video I posted last time is also the video I used here but the twist is that I, together with my group partner put the transcription of Machine Shorthand. Yah its kinda hard but by God's grace, we made it. Yay! So, please support us. Like and put some comments. We will gladly accept whatever your comments are that we think will help us. Thank you so much!



Biyernes, Disyembre 14, 2012

Takdang Aralin sa topic namen :">


TAKDANG ARALIN:

          Direksyon: Isulat ang sagot sa sumusunod na tanong base sa iyong opinyon.

1.   Batay sa ginawang pasgtatalakay sa Aralin 1, alin sa Teoryang Heliocentric at Geliocentric (paniniwalang ang mundo ang nasa gitna ng kalawakan) ang iyong pinaniniwalaan? Bakit? Magbigay ng maikling paliwanag.
2.   Kung iyong babalikan ang pilosopiyang Deismo bilang isang bagong pilosopiyang panrelihiyon, paana kaya ito magiging malaking suliranin sa tradisyunal na relihiyon? Pangatwiranan.
3.   Ano sa iyong palagay ang naging bunga ng Rebolusyong Industriyal sa mga bansa sa Asya? Nakabuti kaya ito o hindi? Bakit?

Quiz sa topic namen :)


Pagtutugma ng Uri

               

Direksyon:    Ang Hanay A ay nagpapakita ng kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa Hanay B. Pagtambalin ang sagot sa Hanay A at Hanay B




Hanay A                                                                              

­­­­­­­­­­­­­­­­­____1.   Isang polish na nagbigay ng bagong  pagtuklas na ang araw ang gitna ng kalawakan at di  mundo

___2.   Ang  taong nakaimbento ng cotton gin

___3. Naglalayon ng pagbuo ng isang relihiyon na bumabatay sa pangangatwiran at batas military

___4.  Paniniwalang lumaganap sa  Europa na ang hari ay pinili ng Diyos upang mamuno sa kaharian.

___5.   Nagbigay ng kongkretong paliwanag ukol sa ideya n ng batas natural at pamahalaan sa Inglatera.

___6. Nagpakilala ng telegrapo na nakatutulong upang mapadala ang mensahe sa mga kaibigan, kamag-anak at iba pang malayong lugar.

___7.  Siyentipikong nakadiskubre ng telescope.

___8. Naging daan upang madagdagan ang suplay ng enerhiya na magpatakbo sa mga pabrika

___9. Matematisyan at astronomer na nagbuo ng pormulang elipse.

___10. Ingles na naglakbay sa Amerika upang itatag ang tirahan ng pangkatin ng mga Quaker sa Pennsylvania.




Hanay  B
                A. Galileo Galilei
                                B. William Penn
C.  El Whitney
D. Johans Kepler
E. Pilosopiyang Deismo
F. Divine Right
G.  Thomas Alva Edison
H. Steam Engine
I. Nicolaus Copernicus
J. sistemang domestiko
K. Samuel Morse
L. T. Hobbes at J.Locke
                               

Sagot sa Pagsusulit
1.       I
2.       C
3.       E
4.       F
5.       L
6.       K
7.       A
8.       H
9.       D
10.   B

Lesson Plan. :))


BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Rebolusyong Siyentipiko At Industriyal
Pamamarati
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Pantas
 Ika-siyam
Layunin at Pagtataya
Mga Layunin
Matapos mapag-aralan ang modyul, inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:
  • Maitatalakay kung paanong napasimula ang kaisipang siyentipiko.
  • Maipapaliwanag ang epekto at impak ng kaisipang siyentipiko sa pamumuhay, pangkabuhayan at iba pang larangan ng siyensya.
  • Mailalarawan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Europeo bago umusbong ang makabagong industriya.
  • Masuri ang pagbabago at epektong idinulot ng rebolusyong industriyal sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Europeo at taga Hilagang Amerika.
  • Makabuo ng isang tsart ng paghahambing ukol sa mga pomosong imbentor at siyentipiko na nakapag-ambag sa rebolusyong siyentipiko at industriyal.
Pagstataya
  • Pangkatang Gawain
  • Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sangunian
  • Kopya ng aralin (hand-outs) at mga larawan
  • Materyales tulad ng Visual Aids, Diagram at Larawan
(Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang mauilahad and pagkakasunod-sunod ng mga kagamitan sa rebolusyong siyentipiko at industriyal sa pamamagitan ng Flowchart.)
Paghahandang Mag-aaral
·         Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maagang pag-alam ng paksa upang mailahad ang kanilang ideya sa klase.
Paghahandang Pan-Guro
·         Marapat na magkaroon ng akmang pananaliksik ukol sa rebolusyong siyentipiko at industrial upang wastong maitalakay ang paksa sa klase.
·         Kahandaan sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng (flowchart)
Pamamaraan
Gawaing Mag-aaral
  • Ang mga mag-aaral ay bubuo ng tatlong (3) pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang buuin ang tatlong magkakaibang flowchart sa kanilang kwaderno, base sa mga larawan, at teksto na nakalagay sa pisara.
  • Bawat isang pangkat ay isasaayos ang mga larawan sa pisara base sa kanilang nagawang flowchart. Ang naatasang grupo ay ilalarawan ang kanilang flowchart sa kanilang opinyon.  
Gawaing Guro
  • Maipaliwanag ang mga di-pamilyar na salita na nauukol sa paksa,
  • Gabayan ang mga mag-aaral upang maisagawa ang tamang pagkakasunod-sunod ng istorya sa Flowchart sa pagbibigay ng tamang direksyong o instraksyon.
  • Maisagot ang mga katanungan ng mga mag-aaral.
  • Bigyang diin ang pagtalakay ng paksa na  nasa Flowchart upang makapagbigay ng lubos na kaalaman sa mga mag-aaral.
  • Magbigay ng pagsusulit upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral.
  • Magbigay ng mga katanungan ang guro na nakaugnay sa paksang kanyang tinalakay.
o   Paano nakaapekto ang mga ideya ng mga siyentipiko sa pamumuhay ng mga tao?
o   Ano ang nagging epekto sa pamumuhay, paniniwala, at pangkabuhayan ng tao sa rebolusyong siyentipiko?
o   Paano nagging mahalagang kasangkapan sa pagsusuri sa tradisyonal na relihiyon ang pilosopong Deismo?
o   Ano ang epektibong naidudulot ng Rebolusyong Industriyal sa pangkabuhayan ng tao?
o   Ano ang kahalagahan ng pagbabago sa Rebolusyong Industriyal?

                                                          Inihanda Nina:


ERIKA JEREMY G. AVORQUE
ROGELIO Q. SIOCO, JR.
                                                                   (Mga Guro)



Iniwasto ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro